^

Metro

Piyansa ng amo ng minaltratong katulong, pinababawi sa QC court

Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hiniling sa Quezon City court ng kampo ni Bonita Baran, ang katulong na minaltrato ng kanyang amo na bawiin ang desisyon na pagpayag na makapagpiyansa si Reynold Marzan kaugnay ng kasong serious illegal detention at serious phy­sical injury laban dito at sa asawa nitong si Analiza Marzan.

Noong nakaraang Linggo, pinayagan ng QC court na makapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan si Rey­nold dahil sa hindi naman daw ito ang nagmaltrato at nagkukulong kay Baran kundi ang asawang si Annaliza. Si Annaliza lamang ang hindi pinayagan ng  korte na mag­piyansa sa kasong ito.

Sa ginanap na hearing kahapon, kaalinsabay ng pagsa­sampa ng petisyon sa korte ng kampo ni Baran sa pamama­gitan ni Atty. Ulric Badiola, sinabi nitong hindi dapat pinayagan na makapag-piyansa si Reynold dahil ang kasalanan ni Annaliza ay kasalanan na rin nito dahil pinabayaan ni Reynold ang asawa na saktan at ikulong si Baran habang nasa kanilang poder bilang katulong.

Sa kanilang petisyon, sinabi pa ni Badiola na maging sa tuwing darating sa kanilang tahanan si Reynold ay nalalaman nito na ikinukulong ni Annaliza si Baran pero wala itong ginagawa para alisin ang katulong mula sa pagkakakulong sa kanilang store room.

Ayon kay Badiola, ang pag-tolerate ni Reynold sa maling gawain ng asawa ay malinaw na pagpapakita ng pakikipag­sa­bwatan sa pang-aabuso kay Baran.

Isang halimbawa na lamang umano na nang malaman ni Reynold na malabo na ang paningin ni Baran dahil sa pana­nakit ni Annaliza ay hindi man lamang nito nagawang dalhin sa ospital ang katulong para maipagamot.

Bunsod nito, inutos naman ni QC-RTC Branch 77 Judge Germano Francisco Legaspi  sa kampo ng mga Marzan na magkomento hinggil sa mga pahayag na ito ng kampo ni Baran. Itinakda ni Judge Legaspi na muling dinggin ang kasong ito sa Disyembre 18, 2012.

vuukle comment

ANALIZA MARZAN

ANNALIZA

BADIOLA

BARAN

BONITA BARAN

JUDGE GERMANO FRANCISCO LEGASPI

JUDGE LEGASPI

QUEZON CITY

REYNOLD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with