^

Metro

Total truck ban sa EDSA inumpisahan na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inumpisahan na kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementas­yon ng “total truck ban” sa kahabaan ng EDSA upang makatulong sa pagpapa­luwag sa daloy ng trapiko.

Nilinaw ni MMDA Chairman Francis Tolentino na wala nang window hours na ipinatutupad sa kahabaan ng EDSA simula Lunes hanggang Linggo.

Bahagi umano ang total truck ban sa EDSA ng “modified truck ban” na inaprubahan ng Special Traffic Committee ng Metro­ Manila Council noong Disyembre 3.

 “We no longer have window hours for trucks passing through EDSA. Trucks with a gross weight of 4,500 kilograms and above are not allowed in any portion of EDSA 24 hours a day, seven days a week,” ayon kay Tolentino.

Dahil dito, pansamantalang hindi muna ipatu­tupad sa Disyembre 7 hanggang Enero 6, 2013 ang lumang truck ban na pina­payagan ang mga trak sa EDSA simula alas-9 ng gabi hanggang alas-6 ng madaling-araw.

Sinabi ni MMC-STC chairman, Quezon City Mayor Herbert Bautista na ito ay upang makatulong sa pagpapaluwag ng trapiko sa EDSA na napakatindi na ang nararanasang dulot ng pagdami ng sasakyan sa Kapaskuhan.

Hindi naman kabilang sa truck ban ang mga trak na may lulang mga produktong nasisira o napapanis tulad ng pagkain, gulay, prutas at iba pa.

 

vuukle comment

BAHAGI

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DAHIL

DISYEMBRE

EDSA

ENERO

MANILA COUNCIL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

SPECIAL TRAFFIC COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with