^

Metro

Sundalo natagpuang patay sa loob ng barracks

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang sundalo ang nasawi matapos na magtamo ng bala sa sentido sa loob  ng kanyang barracks sa sa Camp Aguinaldo sa lungsod Quezon, kahapon ng ma­daling-araw.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang nasawi na si A1C Jayson Reporsado, 26, at naninirahan sa Fernando Airbase, Lipa, Batangas.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nangyari ang insidente sa loob ng barracks ng Military Police Battalion sa Camp General Aguinaldo ganap na alas-12:02 ng madaling-araw.

Sinabi ng testigong si Sgt. Julius Ferrer, nagising na lang siya ng makarinig ng putok ng baril na nagmula sa loob ng kanilang barracks. Dahil dito, nagpasya si Ferrer na bumangon at pinuntahan si Master Sgt. Fernando Asuncion para ipagbigay alam ang insidente.

Pagkabukas nila ng ilaw sa barracks ay nakita na lang nila ang biktima na nakahiga at duguan.

Agad nilang itinakbo ang biktima sa AFP Medical Center­, pero idineklara din itong dead-on-arrival. Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

CAMP AGUINALDO

CAMP GENERAL AGUINALDO

FERNANDO AIRBASE

FERNANDO ASUNCION

JAYSON REPORSADO

JULIUS FERRER

MASTER SGT

MEDICAL CENTER

MILITARY POLICE BATTALION

QUEZON CITY POLICE CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with