^

Metro

Ginang tinangkang patayin ng lover ng mister

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng mag-lover makaraang bugbugin at tangkain pang saksakin ang misis ng lalaki makaraang madiskubre ang kanilang bawal na relasyon, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Nahaharap ngayon sa kasong attempted homicide at physical injuries ang mga suspek na sina Ronaldo Rullan, 40, at Jovy Talino, 28, mani­kurista, kapwa ng  Maricaban ng naturang lungsod.

Inireklamo ito ng misis ni Rulan na si Mila, 35, at residente ng  Saint Bernadette St., Maricaban, ng naturang lungod.

Sa inisyal na ulat ng Pasay Police, sinabi ni Mila na hinanap niya ang kanyang asawa na umalis ng bahay at matagal na’y hindi pa bumabalik. 

Dakong ala-1:15 ng mada­ling-araw nang makita niya ang mister at isang babae sa isang eskinita sa kanilang lugar na naglalampungan habang nakikipag-inuman.

Galit na sinita ni Mila ang dalawa ngunit sa halip na kapwa mahiya sa kanilang ginagawa, galit pa umano ang dalawang magkalaguyo.  Sinuntok umano ni Talino ang misis at nagbunot ng patalim at hinabol ng saksak ang biktima.

Nakahingi naman ng tulong sa mga tanod na nasa barangay hall ang biktima na naging daan sa pagkakaaresto kina Ronaldo at sa kalaguyo na si Talino. Nakumpiska sa mga ito ang isang patalim na may habang siyam na pulgada.

vuukle comment

DAKONG

GALIT

INIREKLAMO

JOVY TALINO

MARICABAN

PASAY CITY

PASAY POLICE

RONALDO RULLAN

SAINT BERNADETTE ST.

TALINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with