^

Metro

Miyembro ng ‘Ipit gang’, sugatan sa parak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang hinihinalang miyembro ng ‘Ipit Gang’ makaraang mabaril ng dalawang pulis na sumaklolo sa isang dalaga na biktima ng grupo ng mga suspek sa loob ng isang pampasaherong bus, kahapon ng hapon sa Makati City.

Isinugod sa Ospital ng Makati ang hindi pa nakikilalang suspek na tinamaan ng bala sa tiyan at hita.  Nakatakas naman ang apat hanggang limang kasamahan nito.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente sa loob ng RCGG aircon passenger bus na bumabagtas sa northbound lane ng EDSA-Estrella.

Ayon sa biktima na tumangging magpabanggit ng pa­ngalan, inipit siya ng mga suspek sa loob ng bus at tinangay ang kanyang mga gamit tulad ng pitaka at cellular phone saka nagsibaba pagsapit ng Estrella bus stop.

Hinabol naman ito ng biktima na nagsisigaw sa may estribo ng bus na hinoldap siya.  Tiyempo naman na pasahero rin ng bus ang dalawang pulis na humabol sa  mga suspek at pinaputukan ang isa sa mga ito na tinamaan sa hita at sa sikmura habang nagawang makatakas ng mga kasamahan.

vuukle comment

AYON

BUS

ESTRELLA

HINABOL

IPIT GANG

ISINUGOD

KRITIKAL

MAKATI

MAKATI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with