^

Metro

Mag-utol niratrat ng ka-lugar

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa nasa kritikal na kondisyon ang magkapatid nang pagbabarilin ang mga ito ng kanilang kalugar, kamaka­lawa ng gabi sa Navotas City.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial hospital ang mga biktima na sina Joselito Mangali, 49, binata, laborer, at ang kapatid nitong dalaga na si  Rachell, 35, ng Brgy. Tangos ng nabanggit na lungsod sanhi ng mga tinamo ng tama ng kalibre 22 sa katawan at ulo.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si  Jonathan Lacaba, ng nasabi ring barangay.

Lumalabas sa report ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas- 6:15 ng gabi sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid, na nag-iinuman sina Joselito at si Jonathan at habang kapwa lasing na  ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa biglang umalis ang suspek.

Ilang saglit pa, bumalik ito at lingid sa kaalaman ng biktima, may dala na itong baril kaya dito na namagitan ang kapatid na babae ng biktima na si Rachell pero pareho na silang pinaputukan ng suspect.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, na-rekober­ ng mga pulis ang ginamit na baril ng suspek sa bahay nito na iniwan bago tumakas.Inaalam ng mga pulis ang tunay na motibo sa in­sidente.

vuukle comment

BRGY

ILANG

INAALAM

INOOBSERBAHAN

JONATHAN LACABA

JOSE REYES MEMORIAL

JOSELITO MANGALI

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

RACHELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with