^

Metro

Pulis sugatan sa pamamaril

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pulis ang su­gatan matapos pagba­barilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspect habang ang una ay sakay ng motor­siklo papasok sa trabaho sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Camp Crame Ge­neral Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang tiyan at kanang hita ang biktimang si PO2 Arturo Viernes, 38, nakatalaga  sa  Caloocan City Police.

Nagsasagawa pa ng follow-up at inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspect.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:15 ng gabi sa Camarin Road, Urduja Ville, Camarin ng na­turang siyudad.

Binabagtas ng bik­tima ang Camarin Road sakay ng kanyang motorsiklo nang biglang  su­mulpot ang mga sus­pect sa tapat nga gasolinahan at pinagbabaril ang una.

Matapos ang insi­dente ay tumakas ang mga suspect habang dinala naman sa Bernardino General Hospital ang biktima bago inilipat sa CCGH.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis upang makilala ang bumaril sa kanilang kabaro at motibo ng  pamamaril.

 

vuukle comment

ARTURO VIERNES

BERNARDINO GENERAL HOSPITAL

BINABAGTAS

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CAMARIN ROAD

CAMP CRAME GE

NAGSASAGAWA

SHY

URDUJA VILLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with