^

Metro

Binata, utas sa onsehan sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Onsehan sa droga ang tinitingnang dahilan kung bakit pinagbabaril at napatay ng di kilalang suspect ang isang 47-anyos na binata habang naglalakad pauwi kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ang biktima na si Froto Rosas Jr., binata, residente ng #1622 Ilang-ilang St., Ismar, Bgy. Kalawaan, Pasig City.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspect na kaswal lamang na naglakad papalayo matapos ang pamamaril, bitbit ang kalibre.45 baril na ginamit sa krimen.

Ayon kay Eastern Police District(EPD) director P/Chief Supt. Miguel Laurel, ang insidente ay naganap dakong alas-6:45 ng gabi sa Axis road, Crova Compound, sa Bgy. Kalawaan.

Nabatid na naglalakad ang biktima nang pagbabarilin ng suspect bago ito tumakas.

Naniniwala naman ang pulisya na posibleng may kinalaman sa illegal na droga ang krimen dahil ayon umano sa kapatid ng biktima na si Alfredo ay sangkot ang kapatid sa ipinagbabawal na gamot.

Sa kabila naman nito, iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang kaso.

Tumanggi na rin si Alfredo na dalhin ang bangkay ng kapatid sa tanggapan ng PNP Crime Laboratory sa Kampo Crame para sa kaukulang awtopsiya.

 

vuukle comment

ALFREDO

BGY

CHIEF SUPT

CRIME LABORATORY

CROVA COMPOUND

EASTERN POLICE DISTRICT

FROTO ROSAS JR.

KALAWAAN

KAMPO CRAME

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with