^

Metro

P1-M halaga ng alahas ibinigay sa ‘Dugo-dugo’ maid ipinakulong ng amo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinakulong mismo ng kanyang amo ang isang katulong matapos na ibigay  ang isang milyong pisong halaga ng pera at mga alahas ng una sa sinasabing miyembro ng ‘Dugo-Dugo Gang’ sa Tondo, Maynila.

Pinipigil ngayon sa MPD-TRS  ang katulong na si Estrella Castillo, 44,  ng Dasmariñas, Ca­vite, stay-in sa Echelon Tower Mabini St., Malate.

Ayon sa pulisya, dawit bilang ac­complice sa kaso si  Castillo  dahil sa pakikipagtransaksiyon  at pagbibigay ng pera at alahas ng kanyang among si Carissa Gel sa isang suspect na miyembro  ng nasabing grupo.

Duda umano  ang pulisya sa pahayag ni  Castillo na hindi niya alam ang kanyang ginawa lalo pa at hindi na siya menor-de-edad  upang  magkamali.

Paliwanag ng maid, may tumawag sa kanya  at sinabing nasa presinto ang kanyang amo na naka-aksidente at kailangan ng pera.

Nakiusap pa aniya sa kanya ang amo  at inutusan siyang kunin ang pera sa vault, saka dalhin  sa Ospital ng Tondo.

Pinapalitan din aniya  ang  kanyang SIM card ng Globe para maging maayos ang kanilang transaksiyon ngunit pagdating niya sa nabanggit na ospital ay pinapunta naman daw siya sa harap ng simbahan ng kung saan siya sinalubong ng isang lalaki.

Pagkakuha aniya sa kanya ng mga alahas at salapi na ibinalot sa makapal na tela ay sinabihan aniya siya ng lalaki na maghintay doon subalit makaraan ang kalahating oras ay sinabihan daw siya ng lalaki na umuwi na at susunod na ang kanyang amo.

Nagulat naman umano  si Gel nang du­mating sa bahay at nagkalat  ang kanilang gamit kaya naman nang dumating ang katulong ay  agad niyang ipinadampot ito sa pulisya.

AYON

CARISSA GEL

DASMARI

DUDA

DUGO-DUGO GANG

ECHELON TOWER MABINI ST.

ESTRELLA CASTILLO

IPINAKULONG

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with