^

Metro

14-anyos nagbigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang 14-anyos na binatilyo ang binawian ng buhay matapos itong magbigti ng necktie sa hagdanan ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Martinez Hospital ang biktimang si Patrick Jude Escalera,  ng J. P. Rizal, Maypajo ng nabanggit na  lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong  alas-10:00  ng gabi nang makitang nakabigti ng necktie ang biktima sa hagdan ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Agad na kinalag at dinala ng kanyang mga kaanak  sa nasabing ospital ang biktima pero hindi na naisalba pa ang buhay nito. Hindi pa mabatid kung ano ang posibleng dahilan sa pagpapakamatay ng binatilyo.

Inaalam na rin ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

INAALAM

ISANG

MARTINEZ HOSPITAL

MAYPAJO

PATRICK JUDE ESCALERA

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with