^

Metro

‘Bading’ kinatay, ginilitan ng lover

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinadtad na ng saksak, ginilitan pa ang isang umano’y bading na staff ng isang konsehala ng umano’y kanyang lover kamakalawa sa Valenzuela City.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Domingo Dimas, 36, staff ng isang konsehala sa  Valenzuela City  at naninirahan sa  Villa Martha Subdivision, Brgy.  Parada ng nabanggit na  lungsod.

Ayon sa salaysay ng pamangkin ng biktima na si Jerico James Dimas, dakong alas-4:45 ng hapon ay  nagising siya sa pagtulog sa unang palapag ng bahay ng biktima dahil nakarinig siya  ng kaguluhan sa kuwarto ng kanyang tito na nasa ikalawang palapag naman.

Aakyat sana ang pamangkin, subalit nakita nitong palabas ang biktima, ngunit isinara at kinandado ng suspek ang kuwarto nito.

Nakita ng saksing pamangkin  na may bahid ng dugo ang pinto ng kuwarto na naging dahilan upang lumabas ito  ng bahay, ini-lock sa labas ang pinto ng bahay at  humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Makalipas ang ilang sandali ay nakita ang suspek na pilit na  binubuksan ang pintuan ng bahay sabay sabing hinimatay  aniya  ang biktima habang nakikipagtalik,  subalit hindi naniwala si Jerico at hindi nito  tinanggal ang lock sa labas.

Dahil dito, nagawa namang dumaan sa  terrace ng suspect at tumakas matapos isagawa ang pagpatay.

Dahil na rin sa paghingi ng tulong ng pamangkin ay  pinuntahan naman ng mga kapitbahay ang biktima na duguan na at dinala sa naturang pagamutan, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Ayon pa sa saksi, ilang beses pa lang niyang nakikita ang suspek na hinihinalang boyfriend ng biktima.

Inilarawan lang ang suspek na may taas na 5’8” hanggang 5’10”, nasa edad 20 hanggang 30, maputi at may kalakihan ang pangangatawan.

vuukle comment

AAKYAT

AYON

BIKTIMA

DAHIL

DOMINGO DIMAS

JERICO JAMES DIMAS

VALENZUELA CITY

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

VILLA MARTHA SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with