^

Metro

Kano huli sa P50-M halaga ng shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga ope­ratiba ng PNP-Anti Illegal Drug Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) matapos maaresto ang isang Amerikanong big-time drug supplier na nakumpiskahan ng P50 milyong halaga ng shabu sa raid sa isang condominium unit sa Makati City kahapon ng tanghali.

Sa panayam kay Chief Inspector Roque Mer­dequia, spokesman ng PNP-AIDSOTF, bandang alas-11 ng tanghali nang salakayin ng kanilang mga operatiba ang Column Tower sa kanto ng Ayala at Buendia sa lungsod.

Arestado sa operas­yon ang suspect na kinilala nitong si Brian Hill, 32, na may apat na taon ng naninirahan sa Pilipinas.

Si Hill, ayon sa opisyal ang supplier ng illegal na droga ng ilang mga kilalang personalidad sa Makati.

Nasamsam mula sa kuwartong inookupa ni Hill ang isang kilo ng shabu at karagdagan pang 9 kilo sa isang Pajero nito na red plate (SEP-825) na naka­rehistro sa NAPOCOR o ka­buuang sampung kilo na nagkakahalaga ng P50 milyon.

Nabatid na ang nasa­bing suspect ay kararating lamang nitong Lunes ng gabi galing Hong Kong at inaalam pa kung miyembro ng Hong Kong triad drug syndicate.

Sinabi pa ni Merdequia na isinagawa nila ang ope­rasyon matapos na may mag-tip hinggil sa dalang droga ng suspect kung saan ang raid ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Fer­nando Sagun ng Quezon City Regional Trial Court Branch 78.

vuukle comment

BRIAN HILL

CHIEF INSPECTOR ROQUE MER

COLUMN TOWER

DRUG SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

HONG KONG

JUDGE FER

MAKATI CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SHY

SI HILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with