^

Metro

Kelot patay sa Russian roulette

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 32-anyos­ na lalaki makaraang aksidenteng mabaril ang sarili habang pinaglalaruan ang baril sa harap ng kanyang mga kainuman sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Nasawi habang gina­gamot sa ospital dulot ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng kaliwang tenga ang biktimang si Darwin Macaannling, furniture maker, may-asawa at residente sa Block 3, Lot 3, Tagumpay St., Brgy. Pag-asa sa lungsod.

Ayon kay PO3 Cristituto Zaldarriaga, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may bahay ng isang Ruelfredo Fan, sa Tagumpay St., dakong alas-2:30 ng madaling-araw.

Bago nito, nag-iinuman ang biktima kasama sina Domingo Nayve, Gregorio Gelina at Fan nang sa kalagitnaan ng kasayahan ay maglabas ng kalibre 38 paltik na baril ang una.

Sinabi ni Gelina, hindi nila inaasahang mag­­la­­labas ng baril si Ma­caannling kaya nagulat sila nang paglaruan ito sa harap nila.

“Nagulat na lang kami nang paglabas ng baril, inilapag niya sa mesa tapos­ nilagyan ng isang bala. Pinagsabihan ko na itabi, kasi may bata nga kaming kasama sa inuman baka pumutok,” sabi ni Gelina.

Pero sa halip na su­munod, dinampot umano ng biktima ang baril, saka paulit-ulit na pinagulong ang bola na lalagyan ng bala at itinutok sa kanyang bibig at kinalabit, pero masuwerteng hindi pumutok.

Dito ay kinabahan na ang tatlong kainuman kaya nagpasya silang pagsabihan muli ang biktima na itigil na ang kanyang ginagawa.

“Kahit anong sabi namin sa kanya (biktima) hindi siya tumigil, sabi pa nga niya, ‘walang problema, wala sa ’kin to,’ habang pinapagulong ang bola ng baril,” dagdag ni Gelina.

Ilang sandali, nakarinig na lamang umano ang tatlo ng apat na magkakasunod na kalabit ng gatilyo, kung saan ang huli nito ay pumutok at nakita nila ang biktima na dahan-dahang nanglupaypay mula sa kanyang kinauupuan at may umaagos na dugo mula sa kanyang kaliwang tenga.

Sa pagkabigla ay nag­pulasan papalabas ng bahay­ ang tatlo, saka hu­mingi ng tulong sa ba­rangay na siya namang nagtakbo sa biktima sa East Avenue Medical Center.

Tinangka pang isalba ng mga doktor sa ospital ang buhay ng biktima, pero ganap na alas-7 ng umaga ay tuluyan nang idineklara itong patay.

 

vuukle comment

BIKTIMA

CRISTITUTO ZALDARRIAGA

DARWIN MACAANNLING

DOMINGO NAYVE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GELINA

GREGORIO GELINA

RUELFREDO FAN

SHY

TAGUMPAY ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with