^

Metro

Kelot nagbigti sa puno ng santol

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos paghinalaan na may kalaguyo ang ki­na­kasama, isang lalaki ang nagbigti sa puno ng santol, kahapon ng umaga­ sa Valenzuela City.

Patay na nang makitang nakabigti ang biktimang si Lorenzo Hinayon, 28, ng Brgy. Canumay West, ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-5:30 ng umaga nang ma­kitang nakabigti ng nylon cord sa puno ng santol sa bakanteng lote sa na­sabing lugar ang biktima ng kanyang kapitbahay na si Editha Aranes.

Nabatid na bago ito ay nakatalo ng nasawi ang kanyang ka-live-in na si Nenita Pimentel matapos maghinala na may ibang lalaki ang huli. Posible umanong ito ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

 

vuukle comment

BRGY

CANUMAY WEST

EDITHA ARANES

INAALAM

LORENZO HINAYON

MATAPOS

NABATID

NENITA PIMENTEL

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with