^

Metro

Trader natagpuang patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Palaisipan ngayon ang pagkasawi ng isang negos­yanteng babae makaraang matagpuan ang bangkay nito sa loob ng kanyang bahay, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Nakilala ang nasawi na si Maricel Torres, 34, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Mandaluyong City Police, nadiskubre ang bangkay ni Torres ng live-in partner nito na si Ronald Pikit Pikit, 35, dakong alas-9:30 ng gabi sa loob ng bahay nito.

Ayon kay Pikit Pikit, iniwan niya at ng kasambahay na si Celsa Calago na mag-isa si Torres sa loob ng bahay dakong alas-8 ng umaga at nang bumalik ay nagulat sila nang madiskubreng wala na itong buhay sa loob ng kuwarto nito.

Sa inisyal na pagsusuri sa katawan ng biktima, walang nakitang anumang sugat sa bangkay na dahilan ng pagkasawi nito.  Ngunit sa kabila nito, isasailalim pa rin sa awtopsiya ang bangkay na umano’y 10 oras nang patay bago madiskubre nina Pikit Pikit at Calago upang mabatid ang tunay na sanhi ng pagkamatay at makumpirma kung may naganap na foul play.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CALAGO

CELSA CALAGO

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

MARICEL TORRES

NAKILALA

PIKIT PIKIT

RONALD PIKIT PIKIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with