^

Metro

Coast Guard recruit, patay sa heat stroke

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay  ang isang Coast Guard recruit matapos itong ma-heat stroke habang nagti-training sa Philippine Cost Guard sa Taguig City kamakailan.

Ayon sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ng Taguig City Police, kinilala ang biktima na  si Joel C. Bernot, na nasawi bago pa idating sa Parañaque Doctors Hospital.

Base sa report na natanggap ng Southern Police District Office (SPD), naganap ang insidente dakong alas-10:58 ng umaga noong Miyerkules sa loob ng Philippine Cost Guard Training School  na matatagpuan sa M.L. Quezon St., Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Nabatid na habang sumasalang sa training ang biktima ay nakaramdam ito nang paninikip ng dibdib, dahilan upang dalhin ito sa clinic ng naturang training school para bigyan ng paunang lunas.

Subalit, hindi nakuha sa first aid ang kalagayan ng biktima kung kaya’t mabilis itong isinugod sa nabanggit na ospital, subalit hindi na ito umabot pang buhay.

Base sa findings ng mga doctor, nabatid na heat stroke ang sanhi nang kamatayan ng biktima, sa kabila nito ay iniimbestigahan pa rin  ang insidente.

 

vuukle comment

BARANGAY NEW LOWER BICUTAN

COAST GUARD

DOCTORS HOSPITAL

JOEL C

PHILIPPINE COST GUARD

PHILIPPINE COST GUARD TRAINING SCHOOL

QUEZON ST.

SOUTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with