^

Metro

Karambola ng 11 sasakyan: 1 patay, 8 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki na nakamotorsiklo ang nasawi habang walo pang katao ang sugatan makaraang suyurin ng isang 16-wheeler na trak na nawalan ng preno ang 10 behikulo na bumabagtas sa C5 Road sakop ng Makati City kahapon ng hapon. Kahit na nakasuot ng  helmet, nagkadurug-durog pa rin ang ulo ng nasawing si James Pan Cuaderno. Ginagamot naman sa Ospital ng Makati ang walo pang sugatan na karamihan ay mga bata.

Nadakip naman ang driver ng trak na nakilalang si Normalito Rombua na ikinatwiran na nawalan umano ng preno ang kanyang minamanehong sasakyan.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente pasado alas-4 ng hapon sa north-bound lane ng C5 Road, Brgy. East Rembo, Makati sa tapat ng Market! Market Mall. Bigla umanong na­walan ng kontrol ang naturang trak kaya napilitan si Rombua na ibangga ito sa pader ng fly-over ngunit natumbok pa rin ang grupo ng mga naka-motorsiklo at iba pang sasakyan kabilang ang ilang SUV (sports utility vehicle).

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple serious physical injuries ang suspek na si Rombua.

 

vuukle comment

BIGLA

BRGY

EAST REMBO

GINAGAMOT

JAMES PAN CUADERNO

MAKATI

MAKATI CITY

MARKET MALL

NORMALITO ROMBUA

ROMBUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with