^

Metro

Tsinita hubot-hubad na natagpuang patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nababalot pa rin ng hiwa­ga ang katauhan ng isang babaeng natagpuang patay habang walang saplot sa buong katawan sa inuupahan nitong silid sa Tondo, Maynila,  kahapon ng umaga.

Base sa nakuhang impormasyon ng MPD-Homicide Sec­ tion, ang biktima ay kilala lamang sa alyas na Vicky, nasa 45-49 anyos, maputi, singkit at nangungupahan sa  Carlos P. Garcia St., Tondo.

Dakong alas-9:30 ng uma­­ga nang madiskubre ang bang­kay ng biktima nang dis­­trungkahin ang naka-lock na si­lid nito, bunsod  ng ma­sang­sang na amoy na umaali­ngasaw sa mga kapitbahay nito.

Tumambad ang hubot-hu­bad na katawan ng biktima na nakahandusay sa lapag sa tabi ng kama.

Nagawang ipagtanong sa isang Gina, 52-anyos, re­sidente ng Sebastian St., Tondo dahil ito lamang ang alam ng mga kapitbahay na kaibigan ng biktima at sinabi nito na ma­ging siya ay nahihiwagaan din sa katauhan ng nasawi.

Kamakailan lamang uma­no niya nakilala ang biktima na nakiusap na makikitira sa kaniyang bahay. Lumipas ang 3 buwan ay nagpaalam umano ito na lilipat sa bakanteng kuwarto sa CP Garcia St.

Nagtataka umano si Gina kung bakit pinapupunta siya sa bahay ng biktima upang siya ang utusan na pagbayarin sa may-ari ng inuupahang silid, tuwing ika-15 ng buwan at katapusan.

May dumarating din uma­nong padalang mga liham sa biktima na may Japanese characters at ang nakalakip ay ang pambayad sa kur­yente, renta ng bahay at ba­yad sa tubig.

Sa tagal umano ng pagka­kilala ay hindi nagsasabi ng tunay na pangalan ang biktima kay  Gina.

vuukle comment

BIKTIMA

CARLOS P

DAKONG

GARCIA ST.

GINA

HOMICIDE SEC

KAMAKAILAN

LUMIPAS

SEBASTIAN ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with