^

Metro

Bebot niratrat, itinulak papalabas ng SUV

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang hindi pa nakilalang babae na ma­tapos pagbabarilin ay itinulak papalabas sa SUV ng mga salarin sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon kay PO2 Jogene Her­nandez ng Criminal In­vestigation and Detection Unit ng Quezon City Police, blangko pa rin sila sa pagkakakilanlan ng biktima dahil walang nakuhang anumang identification card mula rito, pero inilarawan ito sa edad na 20-25 anyos, maputi, may-taas na 5’2’’, mahaba ang buhok, nakasuot ng sando na may blazer.

Sinabi ni Hernandez, nakita ng ilang basurero na iniwan­ na lamang umano ang biktima ng isang Mon­tero sports car sa may tabi ng kalye­ ng 18th Avenue, Murphy Cubao, ganap na alas-5 ng umaga.

Ayon sa isang testigo, isang kulay asul na Montero sports na hindi naplakahan ang huminto sa nasa­bing lugar. Kasunod nito ay na­rinig ang malakas na putok ng baril­, bago ang magka­kasunod pang putok ng baril mula rito.

Matapos ang mga putok ay biglang humarurot ang nasabing sasakyan patungo sa Don Jose St., Brgy. San Roque hanggang sa makita ang bangkay ng biktima.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jimmy Jimena, ka­sama ng bangkay ng biktima ang isang supot ng pagkain at maging ang resibo ng binili nito sa drive thru ng isang fast food sa UN Avenue Ermita, Manila  pasado alas-2 ng madaling-araw.

Sabi pa ni Jimena na isang Shirley na nakatira sa kalsada ang nagsabi na pagkahinto ng Montero ay nakita niyang itinulak ang babae papalabas saka pinagbabaril sa katawan bago bumagsak sa kalsada.

Posible rin umanong da­lawa ang suspect sa pa­mamaslang sa biktima, isang nagsilbing driver at isang triggerman na naka­upo sa backseat kasama ang babaeng biktima.

Ayon pa sa ulat, ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanang sentido na tumagos sa likod ng kanyang ulo, isang tama ng bala sa kanang braso at kanang hita.

Narekober din ng awto­ridad sa lugar ang dalawang basyo ng kalibre 40 baril at isang bala ng kalibre 45 at isang basyo nito.

Sa kasalukuyan, tinitingnan ng CIDU ang lugar na pinangyarihan ng krimen kung may CCTV na nakakabit para makuha ang plaka ng Mon­tero. Bibisitahin din nila ang binilhang fast food nito sa Ermita para makuha ng CCTV footage, gayundin para maka­kuha ng impormas­yon hingil sa biktima at kasama nito.

 

AVENUE ERMITA

AYON

BIKTIMA

CRIMINAL IN

DETECTION UNIT

DON JOSE ST.

ISANG

JIMMY JIMENA

JOGENE HER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with