^

Metro

Holdaper ng dentista, arestado

Danilo Garcia - The Freeman

MANILA, Philippines - Nadakip  na ng mga tauhan ng Caloocan City Police ang holdaper na sumaksak sa isang dentista sa loob ng klinika nito, kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang suspect na si Dennis Catabay, ng NPC, Brgy. Kaybiga, ng naturang lungsod. Ang naturang lugar umano ay pinagkukutaan ng mga notoryus na holdaper at mga magnanakaw sa lungsod.

Dakong alas-7 ng uma­ga nang maaresto ang sus­­ pect sa kanilang lugar matapos na may magturo ng pi­­­ nagtataguan nito. Hindi na nakapalag ang suspect nang palibutan ang kanyang bahay ng mga pulis.

Magugunita na noong Oktubre 29, 2012, alas-11:30 ng umaga nang pumasok ang suspect sa klinika ni Gloria Francisco, 53, sa General Luis St., Kaybiga ng lungsod at nagpanggap na pasyente na magpapa­bunot ng ngipin.

Makalipas ang ilang sandali ay naglabas ng patalim ang suspect sabay sabing “pasensiya na duktora, ka­ilangan ko lang ng P5,000”.

Ikinagalit umano ng suspect nang sabihin ng dentist na wala siyang cash at kailangan pa niyang mag-withdraw sa bangko. Dito ay sinaksak ng suspect ang  biktima sa likod.

Agad na tumakas ang suspect habang dinala naman sa MCU hospital ang biktima upang gamutin.

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY POLICE

DAKONG

DENNIS CATABAY

DITO

GENERAL LUIS ST.

GLORIA FRANCISCO

KAYBIGA

SHY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with