^

Metro

Rider semplang sa tunnel, patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang rider matapos na sumemplang ang sinasakyan niyang motorsiklo habang binabagtas ang Katipunan tunnel sa lungsod Quezon kahapon ng ma­daling- araw.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police Traffic Sector 3, nakilala ang biktima na si Nestor Sudangan, 41, may-asawa, security guard ng #472 Rogaro St., Santa Cruz, Manila.

Naisugod pa siya sa Qui­rino Memorial Medical Center (QMMC), pero binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Sa imbestigasyon ni PO3 Carlito Datu, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may Katipunan Tunnel sa Brgy. Saint Ignacius ganap na ala 1:40 ng madaling araw.

Sakay umano ng kanyang Ruzi motorcycle (9925-TG) ang biktima papuntang E. Rodriguez Ave. at mabilis na tinatahak ang lugar nang biglang tumama ito sa gutter na nasa center island ng tunnel.

Dahil dito, tumalsik ng mahigit 15 metro mula sa kanyang motorsiklo ang biktima, sanhi para mabasag ang suot nitong helmet at mapuruhan ang ulo nito.

Sinubukan pang i-revive ng rumespondeng kawani ng MMDA rescue team ang biktima bago tuluyang itakbo sa nasabing ospital kung saan siya idineklarang patay ganap na alas-2:40 ng madaling-araw.

 

vuukle comment

BRGY

CARLITO DATU

KATIPUNAN TUNNEL

MEMORIAL MEDICAL CENTER

NESTOR SUDANGAN

QUEZON CITY POLICE TRAFFIC SECTOR

RODRIGUEZ AVE

ROGARO ST.

SAINT IGNACIUS

SANTA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with