Smart libreng tawag ngayong Undas
MANILA, Philippines - Magtatayo ng libreng tawag stations ang Smart Communications, Inc. sa may entrance ng Manila North Cemetery at Manila South Cemetery mula Oct. 31 hanggang Nov. 1 bilang serbisyo sa mga dadalaw sa kanilang mga namayapang kamag-anakan ngayong All Souls’ Day. Ang Smart libreng tawag ay bahagi ng malawakang public service initiative ng Kapatid network TV5 na sa tulong din ng Maynilad at One Meralco Foundation ay maghahatid ng libreng tubig, libreng cellphone charging, libreng blood pressure monitoring at libreng wheelchair para sa mga senior citizens ngayong Undas.
- Latest