^

Metro

Amo ninakawan, pinatay ng maid

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang isang katulong makaraang pag­sa­saksakin hanggang sa mapatay nito ang kanyang amo at magnakaw pa sa Mandaluyong City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay nakilalang si Solina Viray, 40, dalaga, na nakatira sa Barangka Drive sa lungsod.

Sugatan ding isinugod sa Victor Potenciano Memorial Center ang lola ni Solina na si Milagros Viray, 81-anyos.

Ang suspek na ngayon ay pinaghahanap na ng mga tauhan ng Mandaluyong police ay si Oranesa Bogcalao, maid ng biktima na tubong-Calabanga, Camarines Sur.

Nabatid mula kay Chief/Insp. Carlito Canlas, hepe ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Mandaluyong na ang krimen ay na­ganap dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa loob ng tahanan ng pamilya Viray.

Ayon sa report, pinasok ng suspek ang kuwarto ng kanyang amo at agad na pinagsasaksak habang mahimbing na natutulog saka kinuha ang hindi pa batid na halaga ng pera. Na­gising naman ang matanda habang papalabas ng kuwarto ang suspek kaya siya man ay pinagsasaksak nito.

 

vuukle comment

AYON

CAMARINES SUR

CARLITO CANLAS

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

MANDALUYONG

MANDALUYONG CITY

MILAGROS VIRAY

ORANESA BOGCALAO

SOLINA VIRAY

VICTOR POTENCIANO MEMORIAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with