Salisi Gang umatake sa coffee shop
MANILA, Philippines - Muli na namang umatake ang Salisi Gang matapos tangayin ang malaking halaga ng ari-arian ng turistang Korean sa coffee shop sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.
Dumulog sa Manila Police District-General Assignment Section ang biktimang si Yang Hyo Jeung, may-asawa, port captain, tubong-Busan, South Korea at pansamantalang nanunuluyan sa #1538 Riviera Mansion Hotel sa 10-203 A. Mabini St., Ermita, Maynila.
Base sa police report, kumakain ang biktima kasama ang kaibigang si Kyu Tae Park sa coffee shop sa Riviera Mansion nang lapitan at tabihan ng isang lalaking disente ang pananamit at may edad na 35-40.
Biglang nawala na umano ang bag matapos tumabi ang nasabing lalaki sa kanyang upuan.
Kabilang sa mga gamit na nalimas ng Salisi Gang ay ang Samsung laptop, digital camera, USB flash drive, Samsung Galaxy battery, sunglass at reading glass, company ID at Korean passport.
- Latest