^

Metro

3 pulis huli sa pagmamaneho ng kolorum

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilang pulis ang kabilang sa mga nahuling nagmamaneho ng kolorum na sasakyan sa ginawang operasyon laban sa mga ito ng Quezon City Police District kamakailan.

Kinilala ang tatlong pulis na sina SPO1 Ricky Fernando ng PNP Maritime Group, PO3 Eduardo Ducanes ng Crime Laboratory at PO2 Russel Sangoy ng QCPD-Station1.

Ayon kay Superinten­dent Reynaldo Ramirez, hepe ng QCPD-DSOU, kinumpiska na ang driver’s licenses ng mga nabanggit na pulis matapos ang operasyon nitong nakaraang Miyerkules sa may kahabaan ng Panay at Quezon Avenue at EDSA.

Sabi ni Ramirez, si Fer­nando ay nagmamaneho ng Asian utility vehicle nang walang plaka.

Tulad din ni Ducanes. Ang dalawang nabanggit na sa­sakyan ay bumibiyahe sa ruta nito sa EDSA nang walang prankisa.

Habang si Sangoy, naman ay inaresto dahil sa pagmamaneho ng “FX taxicab” nang walang prangkisa sa may panulukan ng Araneta at Quezon Avenues.

Kamakailan lang ay naka-aresto ang tropa ni Ramirez ng isang taxi driver at isang kasamahan nito dahil sa pang­hoholdap at pangmomolestiya pa sa babaeng pasahero.

CRIME LABORATORY

EDUARDO DUCANES

MARITIME GROUP

QUEZON AVENUE

QUEZON AVENUES

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RAMIREZ

REYNALDO RAMIREZ

RICKY FERNANDO

RUSSEL SANGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with