^

Metro

P3.5-M pekeng seasoning, nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa P3.5-M halaga ng mga­ na pekeng seasoning products ang nasamsam ng mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang tatlong magkaka­hiwalay na raid sa Tondo, Manila, Caloocan at Quezon City.

Ayon kay PNP-CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao Jr., nagsagawa ng ope­rasyon ang mga operatiba ng Anti-Fraud and Commercial Crime Division  (AFCCD) at  nakakumpiska ng 324,933 piraso ng pekeng  Maggie Magic Sarap products ng Nestle Philippines at 181,459 piraso ng  Knorr Sinigang Mix products ng Uniliver Philippines na nagkakahalaga ng P3,585,310.00.

Sinabi ni Pagdilao na ang matagumpay na raid  ay base sa inisyung search warrant ng korte.

Ayon kay Pagdilao, sinaksihan ng mga kinatawan ng Nestlé at Uniliver Philippines ang isinagawang raid ng mga awtoridad sa isang bodega sa Tondo, Manila Balintawak Public Market sa Quezon City at Vista Verde North Subdivision sa Caloocan City nitong Oktubre  22 at 23.

Ang mga nasamsam na pekeng pro­dukto ay pansamantala namang inilagak sa Carepak Moving and Storage Warehouse na pag-aari ng isa sa naturang kumpanya ang 3rd party na bodega sa Parañaque City.

ANTI-FRAUD AND COMMERCIAL CRIME DIVISION

AYON

CALOOCAN CITY

CAREPAK MOVING AND STORAGE WAREHOUSE

CHIEF P

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR SAMUEL PAGDILAO JR.

KNORR SINIGANG MIX

MAGGIE MAGIC SARAP

QUEZON CITY

UNILIVER PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with