^

Metro

Bala para sa ama, tumama sa anak na dalaga

Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang 18-anyos na dalaga nang mabaril  ng riding-in-tandem na ang target sana ay ang tatay nitong negosyante kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hos­pital sanhi ng tama ng bala sa magkabilang hita ang biktimang si Pamela Rose, ng M. Naval St., Brgy. Daanghari, Navotas City.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-12:00 ng mada­ling araw sa kahabaan ng C-4 Road, Ma­labon City habang binabag­­tas ni Robelito De Dios, 48, lulan ng kanyang  To­yota Innova, sakay ang asawa at anak na si Pa­mela nang sabayan ng nakamotorsiklong suspect.

Dito na sunud-sunod na nagpakawala ng putok ang mga suspek at minalas na ti­namaan ang biktima na nasa likod ng ama.

Sinubukang gumanti ni Ro­­belito at kinuha ang baril na nasa bag subalit pumalya ito at dito  na tumakas  ang mga suspek sakay ng Honda XRM na hindi na nakuha ang plaka.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pamamaril.

 

vuukle comment

BRGY

DAANGHARI

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

NAVAL ST.

NAVOTAS CITY

PAMELA ROSE

ROBELITO DE DIOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with