Tapyas presyo sa petrolyo
MANILA, Philippines - Magpapatupad ng tap yas presyo sa petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo ngayong Martes ng umaga dahil sa pagbagsak ng presyo ng krudo sa internasyunal na merkado.
Unang nag-anunsyo kahapon ng rolbak si Pilipinas Shell spokesman Toby Nebrida na magtatapyas ng kanilang presyo dakong alas-6 ng umaga. Nasa P.90 sentimos kada litro sa unleaded gasoline, P.25 sentimos kada litro ng kerosene, P.35 kada litro sa diesel at P.40 sentimos sa regular gasoline.
Sumunod na nagpahayag ng rolbak ang Eastern Petroleum na magbaba ng P1 kada litro ng premium at unleaded gasoline, P.55 sa diesel at kerosene at P.40 sa regular gasoline.
Una nang inihayag ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Zenaida Monsada na papalo sa 90 sentimos kada litro ang maaaring ibaba sa presyo ng petroleum products ngayong linggo.
Ito’y kasunod ng ipinatupad na pinakahuling price increase nitong Oktubre 16 kung kailan sabay-sabay na nagpatupad ng dagdag presyo ang ilang kompanya ng langis ng kahalintulad na P.30 kada litro sa diesel P.60 sa kerosene, P.60 kada litro sa regular gasoline at P.70 naman sa unleaded at premium gasoline.
Sinabi ni Monsada na posibleng taas-baba ang presyo ng petrolyo sa bansa ngayon dahil sa nakabatay ang Pilipinas sa suplay at demand sa krudo sa pandaigdigang pamilihan.
- Latest
- Trending