^

Metro

Ipatutupad na sa susunod na taon :P10 dagdag pasahe sa mrt

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa P10 ang idadagdag sa pasahe ng Metro Rail Transit 3 umpisa sa susunod na taon, ayon kay Department of Transportation and Communications Secretary Jun Abaya.

Sa kanyang unang punong balitaan, sinabi ni Abaya na ang dagdag-pasahe na matagal nang plano ng pamahalaan ay bunsod ng pagbabawas sa subsidiya na ibinibigay ng pamahalaang nasyunal sa MRT.

Idinipensa ni Abaya ang na­turang pagtataas ay mas mababa pa rin umano kumpara sa P45 na pasahe sa bus kung bibiyahe mula North Edsa sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay.

Iginiit nito na umabot na sa napakalaking P75 bilyong pondo ng pamahalaan ang na­gastos sa subsidiya para sa MRT at Light Rail Transit Line 1 at 2 sa loob ng 10 taon. Kinuwestiyon ito ng mga politiko buhat sa mga lalawigan dahil sa pawang mga taga-Metro Manila lamang ang na­bibiyayaan sa naturang subsidiya.

Samantala, anim na kompanya na ang nagsumite ng “pre-qualification documents” para sa bidding sa LRT Line 1 Cavite Extension Project ng DOTC.  Ang naturang mga kompanya ay ang DMCI Hol­ding Inc., Ecorail, Light Rail Manila Consortium, Luzon Rail Transit System, MTD-Samsung Consortium, at San Miguel Infrastructure Re­sour­ces Inc.

Nagkakahalaga ang pro­yekto ng P30 bilyon kung saan paaabutin ang LRT 1 hanggang Cavite mula 20.7 kilometro hanggang 32.4 ki­lometro.

 

ABAYA

CAVITE EXTENSION PROJECT

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS SECRETARY JUN ABAYA

LIGHT RAIL MANILA CONSORTIUM

LIGHT RAIL TRANSIT LINE

LUZON RAIL TRANSIT SYSTEM

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT

NORTH EDSA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with