Gawad Parangal rites 2012, pinangunahan nina Bistek, Joy B
MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang pormal na paglulunsad ng ‘QC Gawad Parangal’ rites sa Crowne Plaza Galleria kung saan tampok dito ang pagkakaloob ng Tandang Sora Award ng lokal na pamahalaan.
Ang Gawad Parangal na nasa ika-10 taon na ngayong 2012 ay isinagawa kaalinsabay sa pagdiriwang ng Quezon City’s 73rd founding anniversary nitong nagdaang October 12.
Sa naturang okasyon, naipagkaloob ang special award kay da ting Senator Helena Z. Benitez, 94-year old educator at women’s rights advocate. Si Benitez ay isa sa Gawad Parangal awardee noong 2004 sa QC. Simula sa susunod na taon, ang bagong award ay ipagkakaloob sa January 6, sa kaarawan ni Tandang Sora.
Ngayon taon ang Gawad Parangal recipients ay sina Health Secretary Enrique Ona, dating health secretary at kasalukuyang dean ng Ateneo de Manila University Graduate School, Dr. Alfredo Bengzon, multi-awarded musical artist Fides Cyugan-Asensio, journalist Jose “Butch” Dalisay, visual artist Araceli Limcaco-Dans, economist at multi-media journalist Solita “Winnie” Collas Monsod, beauty and fashion expert Ricky Reyes, multi-awarded architect at designer Abelardo Tolentino Jr., at educator-publishing entrepreneur Esther Vibal.
- Latest
- Trending