^

Metro

Brgy. kagawad ninakawan na, ginilitan pa

- Reinir Padua - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ninakawan na, pi­natay pa sa pama­ magitan nang paggilit sa leeg ang isang ba­rangay kagawad ng dalawang teenager ka­­­hapon ng mada­ ling-araw sa lungsod Quezon.

Nakilala ang nasa­wi na si Joven Lau­rora, 41, habang agad namang nadakip ang dalawang teenager na suspect na naki­lalang sina Jeffrey Lignes, 19, ng Brgy. Pansol at ang kasama nitong 16-anyos.

Ayon sa pulisya, ang mga magulang ng 16-anyos na suspect ay nagmama­y-ari ng LPG shop na dito nagtatrabaho si Lignes.

Binanggit pa ng pu­lisya na patay na si Laurora nang ma­tagpuan sa kanyang kuwarto dakong ala-1 ng madaling-araw. May malalim na sugat ito sa leeg, saksak sa dibdib at maraming saksak sa likod.

Isang screw driver ang nakuha sa bulsa ng suspect na si Lignes na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Bukod dito, narekober din sa mga suspect ang mga perso­ nal na gamit ng biktima kabilang ang laptop at cellphone.

Binanggit pa sa ulat, ayon sa mga ka­pitbahay madalas umanong bisita sa bahay ng biktima at kung minsan ay natutulog pa doon ang mga suspect.

Bago matuklasan ang bangkay ng biktima nakarinig ang mga residente ng si­gawan galing sa bahay ng nasawi ka­sunod na nito ang pag­daing.

Agad namang na­aresto ang mga suspect.

AYON

BINANGGIT

BRGY

BUKOD

ISANG

JEFFREY LIGNES

JOVEN LAU

LAURORA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with