MANILA, Philippines - Isang dating pulis na sangkot umano sa serye ng panghoholdap sa area ng Caloocan, Malabon at Navotas (CAMANAVA) ang dinakip ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni NPD Director C/Supt. Antonio Decano ang naarestong suspek na si da ting PO1 Germinio Friaz, dating miyembro ng Malabon City Police.
Tinanggal ito noong Setyembre 18 ng taong kasalukuyan dahil sa pagiging AWOL.
Dakong alas-11:00 ng gabi nagsagawa nang pagpapatrolya ang mga kagawad ng NPD sa Monumento Circle, malapit sa Bonifacio Market, Brgy. 81 ng nabanggit na siyudad na dito nasakote ang suspek.
Nabatid na ang suspek umano ay sangkot sa ilang serye ng holdapan sa mga gasolinahan sa ilang lugar sa CAMANAVA.