^

Metro

3 patay sa sunog

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang tatlong miyembro ng isang pamilya matapos na masunog ang kanilang inuupahang tahanan habang nag-aaway ang mga ito, kung saan nadamay pa ang may 11 iba pang tahanan sa Rosario, Pasig City kahapon ng hapon.

Kinilala ni Major Roy Quistro ng City Fire Marshall ng Pasig City, ang mga nasawi na sina Celia Babun, live-in partner nitong si Jeff Albay, at anak nilang si Giselle Babun, 17, pawang residente ng 4218 St. Peter St., kanto ng St. Peter Paul sa SPS Sub­division, sa Rosario.

Batay sa ulat, dakong alas-3:34 ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay mismo ng mga biktima at mabilis na kumalat sa may 11 pang kabahayan.

Ayon sa mga kapitbahay, bago ang sunog ay narinig umano nilang nag-aaway ang mag-live in partner at humi­hingi ng tulong ang ginang sa mga kapitbahay.

Maya-maya lamang ay may narinig na silang pagsabog, na hindi nila alam kung saan nagmula, hanggang sa tuluyang sumiklab ang sunog.

Nakakandado umano ang tahanan ng pamilya sanhi upang hindi makalabas ang mga ito at tuluyang lamunin ng apoy.

Ayon naman kay Roger Hesita, kamag-anak ng mga biktima, nakita umano nilang umuusok ang bahay kaya nilapitan nila ito at nakitang nagpapambuno ang mag-asawa sa loob ng nakakandadong bahay.

May bitbit pa umanong itak ang lalaki habang nag-aaway at bigla na lamang may sumabog hanggang sa sumiklab ang apoy.

Kalahating oras lamang na tumagal ang sunog, na umabot ng unang alarma at naideklarang fireout dakong 4:03 ng hapon.

vuukle comment

AYON

CELIA BABUN

CITY FIRE MARSHALL

GISELLE BABUN

JEFF ALBAY

MAJOR ROY QUISTRO

PASIG CITY

ROGER HESITA

ST. PETER PAUL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with