^

Metro

IT stude sinaksak ng kapwa estudyante

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi pa man tuluyang nareresolba ang insidente ng pananaksak sa estud­yante ng UST sa loob ng FEU campus, isa na namang insidente ng karaha­san ang naganap sa loob naman ng Adamson University kung saan isang lala­king IT student ang sinaksak ng kapwa niya mga estud­yante, kamakalawa ng umaga.

Nakaratay pa sa Medical Center Manila (MCM) ang su­gatang si Kevin Roi Castro, 21, ng Tondo, Maynila.

Kinilala naman ang mga suspect na sina Mark Raven Sallao, 18, estudyante rin ng AdU, at naninirahan sa Makati City at isang alyas “Juris” na tumakas ma­tapos ang insi­dente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:48 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng ST Bldg., sa AdU compound, San Marcelino, Ermita, Maynila nang makita ng mga suspect ang biktima na agad na nilapitan at mabilis na sinaksak.

Nang nalaman ng mga security guard ang nasa­bing insidente ay isinugod ang biktima sa nasabing ospital habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspect.

Ayon pa sa ulat na ang biktima ay miyembro ng SRB fraternity habang ang mga suspect ay miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity kaya pinaniniwalaang away fraternity ang motibo sa pananaksak.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

AYON

KEVIN ROI CASTRO

MAKATI CITY

MARK RAVEN SALLAO

MAYNILA

MEDICAL CENTER MANILA

SAN MARCELINO

SHY

TAU GAMMA PHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with