^

Metro

Med rep sumingit sa convoy ni PNoy, inaresto

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng isang medical representative na nagtangkang sumingit sa convoy ni Pangulong Noynoy Aquino sa tulay ng Nagtahan, Maynila.

Kabilang sa mga asuntong haharapin ni Marki Jason Hanopol, 24, ay reckless driving at driving under influence of liquor, bunsod nang ginawang pakikipagkarera pa sa Presidential Security Group bandang alas-2:00 ng madaling-araw kahapon.

Nabatid na tinangka  pang pahintuin ng PSG si Hanopol habang pinasisibad ang kanyang kotse (XMN 769) matapos dikitan ang presidential car ni Pangulong Aquino ngu­nit sa halip na tumigil ay nagtuluy-tuloy pa rin hanggang makababa ng Nagtahan Bridge.

Si Hanopol ay inilagay na sa pangangalaga ng Manila Police District Station 10 kung saan siya ay isinailalim sa medical examination at napa­tunayang lasing sa alak.

HANOPOL

KABILANG

MANILA POLICE DISTRICT STATION

MARKI JASON HANOPOL

MAYNILA

NABATID

NAGTAHAN BRIDGE

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

SI HANOPOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with