^

Metro

Lola tumalon sa jeep, patay

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang 63-anyos na lola habang sugatan ang isa pang estudyante ma­karaang tumalon ang mga ito sa sinasakyang pam­ pasaherong jeepney matapos na mataranta sa pang­hoholdap ng isang lalaki sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang nasawi ay kinilalang si Lerma Espino, ng Cebu St., Pael Estate, Brgy Culiat, habang sugatan din ang La Salle student na si Christian Sembrano, 16.

Nangyari ang insidente sa harap ng Veterans Memorial Medical Center sa kahabaan ng Mindanao Ave­nue, Brgy. Project 6, ganap na alas-9:40 ng gabi.

Ayon sa kapwa pasaherong sina EM Dedace at Rhoda Ba­lagat, habang sakay sila ng isang PUJ (PVT-199) kasama ang dalawang biktima, biglang nagdeklara ng holdap ang suspect na kasakay din nila hawak ang isang baril.

Sa katarantahan, matapos na magsigawan ang mga pasahero sa driver na huminto, biglang naalarma ang dalawang biktima na na­ kaupo sa hulihan ng PUJ at tumalon.

Sa pagtalon ni Lola ay unang tumama ang ulo nito sa sementong kalsada sanhi upang magtamo ito ng ma­tin­ding pinsala at agad na nasawi. Habang si Sembrano naman ay nagtamo ng galos sa kanyang katawan at isi­nugod sa VMMC bago inilipat sa St. Lukes Medical Center.

Ang suspect dahil sa pang­yayari ay agad ding sumibat papalayo sa lugar patungo sa Mindanao Ave­nue ng walang nakuhang anuman sa mga pasahero.

BRGY CULIAT

CEBU ST.

CHRISTIAN SEMBRANO

LA SALLE

LERMA ESPINO

MINDANAO AVE

PAEL ESTATE

RHODA BA

SHY

ST. LUKES MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with