^

Metro

Family driver utas sa sekyu sa subdivision

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang family driver ang nasawi makaraang barilin ng security guard ng isang subdibisyon matapos umanong magpilit ang una na pumasok dito habang si­nisita sa nakakabit na stickers ng kanyang sa­sakyan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Noel Lleona, 23, residente sa nasabing subdibisyon.

Ang bumaril na suspect na ngayon ay tinutugis ng awtoridad ay kinilalang si Ronald Omadle, 23, security guard ng JPL Security Agency nakatalaga sa United North Fairview Homeowner’s Association Inc. sa Brgy. North Fairview.

Nangyari ang insidente sa nasabing subdibisyon, ganap na alas-3 ng hapon.

Ayon sa pulisya, ang van na minamaneho ng na­­sawi ay may sticker na inisyu ng da­ting home­owners association, pero mayroon nang bagong grupo na nag-isyu ng sticker para sa mga residenteng may sasakyan.

Ang pag-isyu ng stic­kers bilang access ang ugat ng pagtatalo nina Lleona at suspect na sekyu sa may Gate 1 ng village sa may Pound Street.

Sinita umano ng sekyu ang biktima dahil sa nakalagay na sinasabing invalid sticker.

Pero ipinilit umano ng bik­tima ang pagpasok sa loob na ugat para mabuwisit ang sekyu at binaril siya ng mala­pitan sa ulo, at agad na ikinamatay nito, habang ang huli ay mabilis na tumakas.

ASSOCIATION INC

AYON

BRGY

NOEL LLEONA

NORTH FAIRVIEW

POUND STREET

RONALD OMADLE

SECURITY AGENCY

SHY

UNITED NORTH FAIRVIEW HOMEOWNER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with