^

Metro

Sekyu todas sa 'Agaw armas gang'

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang 30-anyos na security guard matapos na mabiktima ng mga hinihinalang miyembro ng ‘Agaw Armas gang’ habang nakaduty ito sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Dead on the spot si John Golondrina, ng St. Stephen Se­curity­ Agency at residente ng Delpan St., Binondo, Manila sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Inilarawan naman ang isa sa suspect na nasa pagitan ng edad 20 hanggang 25, nakasuot ng puting t-shirt, khaki na short pants at bull cap habang ang kasama nito ay nakasuot ng kulay itim na jacket, puting shortpants at may taas sa pagitan ng nasa 5’5-5’6, payat at naka tsi­nelas ng puti.

Sa report, dakong alas-3 ng madaling-araw nang ma­ganap ang insidente sa harapan ng Uni Glass Sewing Machine sa kanto ng Jose Abad Santos Ave., at Tayuman St., Tondo.

Nauna dito, naka-duty ang biktima sa nasabing tindahan nang lapitan siya ng isa sa suspect na nagkunwang nagtanong subalit walang sabi-sabing pinaputukan ang sekyu ng dalawang beses.

Bago tumakas ang mga biktima ay tinangay pa ang kanyang kalibre 38 na service firearm. 

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng ka­libre 45 na hinihinalang ginamit sa pamamaril.

AGAW ARMAS

BINONDO

DELPAN ST.

INILARAWAN

JOHN GOLONDRINA

JOSE ABAD SANTOS AVE

MAYNILA

ST. STEPHEN SE

TAYUMAN ST.

UNI GLASS SEWING MACHINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with