^

Metro

Dahil sa sampay, trader hulog mula sa 4th floor, patay

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nauwi sa kamatayan ang pagtatangka ng isang negos­ yante na makuha ang kanyang nilabhang damit mula sa sampayan sa labas ng kanyang bahay matapos na aksi­denteng mahulog mula sa 4th floor ng tinitirhan nitong condominium kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Salacnib Douglas Dichoso, 31, may-ari ng computer shop, at naninirahan sa Smile Citihomes Condomium Complex sa Brgy. Kaligayahan, sa lungsod.

Nangyari ang insidente, ganap na alas-11:30 ng umaga sa nasabing condominium.

Ayon sa saksi na naninirahan sa isa pang gusali na katabi ng gusali ni Dichoso kinukuha umano ng biktima ang damit sa sampayan at sa pagtatangka nitong maabot ang nasa gawing malayo ay nawalan ng balanse ang paa nito, hanggang sa bumagsak paibaba mula dito.

Dead on the spot si Dichoso dahil sa tinamong matinding injuries lalo na nang tumama ang ulo nito sa kongkretong simento, sabi pa ni Gagaza.

AYON

BRGY

DICHOSO

GAGAZA

KALIGAYAHAN

KINILALA

NANGYARI

QUEZON CITY

SALACNIB DOUGLAS DICHOSO

SMILE CITIHOMES CONDOMIUM COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with