^

Metro

Mister tumalon sa 8th floor ng Justice Hall, lasog

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagpakamatay sa pa­ma­magitan nang pagta­lon mula sa ika-8 palapag ng Justice Hall ng Pasig City ang isang mister dahil umano sa proble­ma sa pera ng ka­niyang pa­milya sa Pasig City.

Dakong alas-2:25 ng ha­pon nang tumalon si Efren Monterey, 48; vendor at re­sidente ng Brgy. Buting, Pasig City mula sa 8th floor ng Justice Hall building na matatagpuan sa Brgy. San Nicolas, Pasig City.

Sa inisyal na report, nabatid na halos malasog ang katawan ng biktima nang bumagsak ito sa sementadong parking area ng gusali.

Sinasabing nakita uma­no ni Noel Lamano, 54, Clerk of Court sa Justice Hall ng Pasig City, ang pagtungo ng biktima sa 8th floor ng gusali dakong alas-2:25 ng hapon hanggang sa tumalon ito.

Naniniwala naman ang pulisya na ang kakapusan sa pera ang posibleng dahilan nang pagpapaka­matay ng biktima dahil ina­min ng asawa nitong si Delia Monterey na bago ang insidente ay nagtalo pa sila ng nasawi. “Inamin ko nag-away pa kaming mag-asawa tungkol sa pera, pero hindi ko akalain na lulutasin niya ito sa pagpapakamatay,” anang ginang.

BRGY

BUTING

CLERK OF COURT

DELIA MONTEREY

EFREN MONTEREY

JUSTICE HALL

NOEL LAMANO

PASIG CITY

SAN NICOLAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with