^

Metro

10 miyembro ng robbery gang, arestado

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagtapos ang halos gabi-gabing pambibiktima ng 10 miyembro ng bagong grupong “Kolorum AUV FX Robbery Gang” na nambi­biktima ng mga pasahero ma­­karaang madakip sa su­nud-sunod na operasyon ng Parañaque City Police.

Kinilala ni Southern Police District Director, Chief Supt. Benito Estipona ang unang mga nadakip na sina Ludy Dagupioso, 58, driver; Red Marlon Guarino, 23; Princess Leosa, 20 at Rit­chie Cahinta, 38.

Sumunod namang nada­kip sa follow-up operations sina Almario Rentillosa, 40; Luiz Bondoc, alyas Kingkong, 39; Ronelyn Consorte, 20; Jonnalyn Sarmiento, 20; Arvin Manal, 24 at Janice Brillatica, 28.

Sa ulat ng Parañaque City Police, una silang nakatanggap ng mga ulat ukol sa operasyon ng isang hold-up gang na gumagamit ng kolorum na AUV taxi na may rutang Sucat-Lawton matapos ang sunud-sunod na reklamo ng mga biktima.

Dakong alas-3 ng mada­ling araw nitong Oktubre 6, nagsagawa ng “stake-out operations” ang Intel Group sa pangunguna ni P/Chief Insp. Ferjen Torred sa may Dr. A Santos Avenue, Brgy. San Antonio kung saan natiyempuhan sa itinatag nilang checkpoint ang isang Mitsubishi Adventure na ipinapasada.

Dito nailigtas ang isa sa mga biktima na kasalukuyang hinoholdap ng apat na suspek na nagresulta sa kanilang pagkakadakip. Nang isailalim sa interogas­yon, inginuso ng mga ito ang pagkakakilanlan at pi­nag­tataguan ng kanilang mga kasamahan na pawang mga naaresto sa isinagawang fol­low-up operations sa An­tipolo City, Cavite, Las Piñas at Parañaque.

Nakumpiska sa 10 suspek ang 3 kalibre .38 baril, Mitsubishi Adventure na bi­niberepika ngayon kung karnap, 2 granada, mahigit 20 mga bag na hinihinalang galing sa kanilang mga biktima, sari-saring mga pitaka at iba pang personal na mga gamit.

Modus-operandi ng gru­po na magpanggap na na­mamasada sa mga ruta ng Maynila, Quezon City, An­tipolo, Parañaque, Ca­vite kung saan sila mismo ang nagpapanggap na mga pasahero rin kasama ang tatlong babae upang hindi matakot ang babaeng bibiktimahin.

Sa oras na sumakay, mag­dedeklara ng holdap, utusang pumikit at lilimasin ang kanilang gamit. Kapag may hitsura pa umano ang biktima ay momolestiyahin pa ng mga manyakis na suspek.

Ayon kay Estipona, nasa 6 na biktima na ang lumutang sa kanilang tanggapan upang ireklamo ang mga suspek habang may dalawa na umanong nabiktima rin buhat sa San Mateo, Rizal at tatlo buhat sa Quezon City ang nais ring magdemanda. Posibleng maharap ang mga suspek sa kasong robbery hold-up, at illegal possesion of firearms and explosives.

ALMARIO RENTILLOSA

ARVIN MANAL

BENITO ESTIPONA

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

CITY POLICE

MITSUBISHI ADVENTURE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with