^

Metro

1 natimbog, 1 nadedbol: Pagpatay ng tandem sa MPD cop, lutas na

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Lutas na ang kasong pamamamaril at pagpatay ng riding in tandem sa isang miyembro ng Manila Police District na sumita sa kanila noong Sabado ng madaling araw, sa Ermita, Maynila.

Ito’y matapos ang follow-up operation ng MPD-District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU), kung saan naaresto ang isa sa suspect na kinilalang si Antonio Lalu, alyas Tony, 45, ng Tondo, Manila na kasalukuyang nakapiit sa MPD-Homicide Section.

Nabatid na isang infor­mer ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya tungkol sa kinaroroonan ng suspect na naglungga sa ilalim ng tulay ng Delpan sa Tondo.

Mabilis naman ang pagkaaresto sa suspect na nakuhanan pa ng isang kulay green na bag na naglalaman ng iba’t ibang bala, cellphone, cellphone charger at iba pang mga kagamitan at isang kulay itim na 125 Honda Wave na walang plaka.

Naging susi din si Flores para matunton ang kasama nitong suspect na si Flo­rencio Gea­vican, 35, ng Que­zon City na natuklasang patay na at nakaburol sa St. James Chapel sa Sumulong Highway sa Antipolo City na una na ring ginamot sa Ospital ng Marikina, sa Marikina City, matapos doon ipa­gamot upang maka­iwas sa mga pulis.

Si Flores at Geavican ang rumatrat at nakapatay kay PO1 Ryan Bagadiong, na­­katalaga sa Pedro Gil-PCP sakop ng MPD-Ermita Police Station 5 at residente ng Antonio Rivera St., Tondo.

Matatandaang si PO3 Bagadiong ay nagtamo ng sampung bala sa katawan at tinangayan pa ng ser­vice firearm at motorsiklo ng da­lawang suspect na kaniyang sinita sa panulukan ng UN Ave at M.H del Pilar St., sa Ermita alas-5 ng madaling-araw noong Sabado.

Bagama’t sugatan, nakapagpaputok pa si Bagadiong na ikinatama sa isa sa mga suspect na ito nga si Gea­vican.

ANTIPOLO CITY

ANTONIO LALU

ANTONIO RIVERA ST.

BAGADIONG

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE OPERATIONS UNIT

ERMITA

ERMITA POLICE STATION

GEA

HOMICIDE SECTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with