Wanted na US rapist timbog sa BI
MANILA, Philippines - Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Amerikano na akusado sa panggagahasa sa Guam.
Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr. ang fugitive na si David James Hart, 56, ay nadakip sa Mapandan, Pangasinan noong Oktubre 2 ng mga operatiba ng BI fugitive search unit.
Nabatid kay David na si Hart ay may warrant of arrest matapos itong sampahan ng kasong rape sa Guam.
Agad namang ipade-deport si Hart sa sandaling maglabas ng summary deportation ang BI commissioner.
Sinabi naman ni Atty. Ma. Antonette Mangrobang, BI acting intelligence chief, si Hart ay ipade-deport dahil na rin sa kanyang pagiging undocumented alien na nagresulta din sa kanselasyon ng US passport nito ng US government.
Lumilitaw na si Hart ay nasa wanted list na ng US government simula pa ng Pebrero nang maglabas ng arrest warrant ang Guam court.
Taong 2007 nang magsimulang dumating sa bansa si Hart at magpabalik-balik. Huling dumating ito sa bansa noong Oktubre 8, 2011.
Subalit hindi na ngayon maaaring makapasok pa ng bansa si Hart dahil kabilang na ito sa mga undesirable aliens.
- Latest
- Trending