Kargador pinagtripan, tigok
MANILA, Philippines - Hinihinalang nakursunadahan ng isang grupo ng kalalakihan ang isang 21-anyos na kargador na natagpuang walang buhay, sa Baseco compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Richard H. Mercadiaz, 21, binata, residente ng Block 15, Baseco Compound, Port Area, Maynila, dahil sa mga tinamong saksak sa katawan.
Sa ulat ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:20 ng gabi nang magpasiyang umuwi na mula sa pakikipag-inuman sa mga kaibigan ang biktima nang makasalubong umano ng grupo ng di pa kilalang kalalakihan at pagsasaksakin ito, sa bahagi ng Block 15-A Baseco compound.
Isinugod pa ng mga residente sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktima subalit idineklara ng surgeon on duty na si Dr. Santy Cruz si Mercadiaz na dead on arrival.
- Latest
- Trending