^

Metro

28 katao nasagip sa rescue, clearing operations

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umaabot sa 28 ka­tao ang nasagip ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 7 (Jose Abad Santos Police Station) mula sa rescue at clearing ope­rations kamakalawa ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ang nasabing ope­rasyon na pinangunahan ni MPD station 7 chief, Supt. Roderick Mariano ay isinagawa alinsunod sa kautusan ni Manila Mayor Alfredo Lim na linisin ang lungsod mula sa iba’t ibang balakid sa kalsada at nagpapasikip ng daloy ng tra­piko.

Ayon kay Mariano, alas-9 ng umaga nang isagawa ang rescue at clearing operation sa New Antipolo St., Tondo, Manila.

Dito nasagip ang 28 katao kabilang ang   13 menor de edad mula isang taong gulang hanggang 12- anyos.

Inalis din ang mga barung-barong na iti­nayo ng mga nasagip, kung saan delikado mula sa mga motorista.

Agad din namang dinala ang mga ito sa Reception Action Center (RAC)-MSDW para sa kaukulang aksiyon.

Sinabi ni Mariano na regular nilang isasa­­gawa ang rescue at clea­ring operation upang matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng naninirahan dito.

Matatandang sinu­yod ng Manila Department of Social Welfare, sa pangunguna ng hepe nitong si Jay R. dela Fuente ang mga “solvent boys” at pulubi sa Blumentritt.

vuukle comment

JAY R

JOSE ABAD SANTOS POLICE STATION

MANILA DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MARIANO

NEW ANTIPOLO ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with