^

Metro

19-anyos dedo sa tandem

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala ng hindi pa nakikilalang salarin ang 19-anyos na binata habang nag­lalakad sa kanilang lu­gar sa Pasay City ka­hapon ng madaling- araw.

Namatay kaagad ang biktimang si Felix dela Cruz. Nakatira sa 556 J. Luna St., sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng kalibre .40 pistola sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspect.

 Ayon kay Pasay Deputy Chief Supt. Ma­nuel Turla, naganap ang insidente ng pamamaslang dakong alas-12:30 ng mada­ling-araw sa kanto ng J. Luna at Aurora St. matapos lumabas ng isang internet shop ang biktima upang bu­mili ng sigarilyo sa ka­tapat na tindahan.

Dito na hinarang ng salarin lulan ng isang motorsiklo ang biktima at sunud-sunod na pinagbabaril saka pinaharurot ang sasakyan sa pagtakas.

 Nagresponde naman ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 5 sa lugar na pinangyarihan ng pamamaslang at tinangkang habulin ang salarin subalit hindi na nila ito inabutan.  

Nakuha ng mga imbestigador sa pangu­nguna ni SPO3 Ro­naldo Frades sa lugar na pinangyarihan ng pamamaslang ang anim na basyo ng kalibre .40 pistola at dalawang slug na mula sa armas na gamit ng suspect.

vuukle comment

AURORA ST.

AYON

CRUZ

DITO

FRADES

LUNA ST.

PASAY CITY

PASAY DEPUTY CHIEF SUPT

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with