^

Metro

Dinedma ang hamon na suntukan, kelot patay sa atake sa puso

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang 49-anyos na lalaki ang hinihinalang   inatake sa puso dahil sa pagtaas ng presyon bunga ng matinding galit sa kapitbahay na seaman na dumedma lamang sa kanyang paghahamon ng suntukan, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ni PO3 Ro­del Benitez ng Manila Police District-Homi­cide Section ang biktimang si Emil P. No­vestera, ng J. Marzan St., Sampaloc, na idi­neklarang patay nang isugod sa Ospital ng Sampaloc.

Isinailalim sa imbestigasyon ang ka­pitbahay na nakaali­tan nitong si Phillip B. Maige, na agad ding pinalaya ng mga awtoridad dahil wala itong pananagutan sa pagkamatay ng biktima.

Dakong alas-4:00 ng madaling-araw kahapon, nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ni Maige.

Nabatid na papasok ng kanilang bahay sina Maige at misis na si Juda nang biglang sumugod si Novestera.

Galit na galit umano ito at naghahamon ng suntukan kay Maige sa hindi tinukoy na dahilan ng awayan.

Subalit hinila ni Juda ang mister papasok ng bahay at ikinandado ang pintuan upang umiwas sa gulo.

Ilang kapitbahay na­man sa labas ng bahay ang umano’y umaawat sa galit na galit na biktima upang mapakalma, nang bigla umanong mag-collapse.

BENITEZ

DAKONG

EMIL P

GALIT

JUDA

MAIGE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMI

MARZAN ST.

PHILLIP B

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with