Hindi na mahal ng gf,waiter nagbigti
MANILA, Philippines - Dahil sa hindi matanggap na hindi na siya mahal ng nobya ang nagtulak sa isang waiter para tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa lungsod Quezon, kahapon.
Si John Michael Madrilejos, 25, ay nagawa pang maisugod sa ospital ng kanyang mga kasamahan matapos magbigti sa sarili subalit hindi na rin umabot pa ng buhay.
Ayon kay SPO1 Cristituto Zaldarriaga, nangyari ang insidente sa RP bar sa Quirino Highway sa Brgy. Gulod, Novaliches, alas-4 ng madaling-araw.
Bago ang insidente, ang biktima at ilang kasamahang waiter ay nag-iinuman sa nasabing bar.
Ilang sandali pa, tinanong ng biktima ang kanyang girlfriend na nakilalang si Janica kung mahal pa siya nito. Sumagot naman ang babae na hindi na siya mahal, hanggang sa tumayo ang biktima at pumasok sa kuwarto.
Hindi na lumabas ang biktima kaya nagpasya si Janica na sundan ang una sa kuwarto kung saan pagpasok niya sa loob ay tumambad sa kanyang harapan ang nakabigting katawan nito sa kisame.
Agad na humingi ng tulong si Janica sa mga kasamahan at kinalas ang biktima sa pagkakabitin saka itinakbo sa Nova District Hospital pero idineklara rin itong dead-on- arrival.
- Latest
- Trending