^

Metro

Nagtalo sa volume ng radyo parak sugatan sa boga ng kabaro

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Isang pulis ang sugatan matapos na barilin ng kanyang kabaro, makaraang magtalo dahil lamang sa volume ng radyo sa loob ng kanilang barracks sa lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Si PO3 Daniel Florendo Jr., 36, nakatalaga bilang com­munity police sa Brgy. Lourdes sa lungsod ay nakaratay ngayon sa Chinese General Hospital matapos na magtamo ng isang tama ng bala sa kanang hita.

Ang bumaril na si PO3 Carlito Seneres, 50, nakatalaga sa community police sa Brgy. Balingasa ay pinaghahanap naman ng awtoridad na tumakas matapos ang insidente.

Nangyari ang insidente sa barracks na tinutuluyan ng dalawang pulis na matatagpuan sa A. Bonifacio Avenue, Brgy. Balintawak, ganap na alas-11:30 ng umaga.

Nabatid na ang nasabing lugar ay tinayuan ng barracks para magsilbing tuluyan ng naturang mga pulis na mula sa probinsiya at nakatalaga sa lungsod Quezon. Sinasabing si Florendo ay naninirahan sa may San Jose Del Monte, Bulacan, habang si Seneres naman ay sa Norzagaray Bulacan.

Bago ang insidente, umidlip umano ang biktimang si Flo­rendo sa kanilang kuwarto nang dumating ang room mate nitong si Seneres at binuksan ang radyo saka itinodo ang volume nito.

Dahil dito, nagising ang biktima at kinompronta ang kasamahang pulis para hinaan ang volume ng radyo.

Pero sa halip na sumunod, nagalit ang suspect at sinabihan ang biktima ng “umalis ka na dito!”. Matapos ito, biglang nagbunot ng kanyang service firearm ang suspect at pinaputukan sa kanang hita ang biktima.

Matapos paputukan, tila natauhan ang suspect at nagpasyang isugod ang biktima sa naturang ospital at pagkatapos ay tuluyan nang tumakas ang nakabaril na parak.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing in­sidente.

BONIFACIO AVENUE

BRGY

CARLITO SENERES

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DANIEL FLORENDO JR.

MATAPOS

NORZAGARAY BULACAN

QUEZON

SAN JOSE DEL MONTE

SENERES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with