^

Metro

Shipping line president, utas sa ambush

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Patay ang babaeng presidente ng isang shipping line habang sugatan ang anak nito matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Maria Theresita Go, 42, presidente ng Poseidon Shipping Line at residente ng Apple Ville Homes, Sta. Quiteria ng lungsod na ito.

Nasa ligtas namang kalagayan ang anak ng biktima na si Charles Dustin Go, 10, matapos madaplisan ng bala sa ulo habang wala namang tama ang kapatid na si Darryl Edimar, 19.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga sa Tullahan Road sa Caloocan City.

Nabatid na minamaneho ng nasawi ang kanyang Toyota Fortuner at pagsapit ng nasabing lugar ay sinabayan ng mga suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Sunud-sunod na pinutukan ng mga suspek ang biktima na naging dahilan upang tamaan habang nadaplisan ang anak na si Dustin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang nakahingi ng tulong si Darryl at nadala ang ina at kapatid sa naturang ospital. Inaalam na ng mga pulis kung sino ang may pakana sa pana­nambang at kung ano ang posibleng motibo rito.

APPLE VILLE HOMES

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHARLES DUSTIN GO

DARRYL EDIMAR

MARIA THERESITA GO

POSEIDON SHIPPING LINE

TOYOTA FORTUNER

TULLAHAN ROAD

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with